Ikinaalarma ng OCTA Research group ang pagtaas lalo ng bilang ng mga COVID-19 cases sa lalawigan ng Rizal.
Tinukoy ni OCTA Research fellow Dr. Guido David ang seven-day average ng COVID-19 infections sa probinsiya ng Rizal ay nagmula sa dating 84 lamang noong August 29 hanggang September 4, na umabot na sa 124 as of September 5 to 11.
Lumalabas na ang growth rate ay mula sa -15% hanggang 47% sa loob lamang ng isang linggo.
Napag-alaman pa na noon lamang September 9 ang Rizal province ay nakapag-record na ng 228 na mga bagong tinamaan ng COVID-19 cases.
Mas mataas pa raw ito sa nakaraang linggo na nasa 203 ang bilang.
May hinala si Dr. david na maaring kabilang sa dahilan ng pagtaas ng hawaan ay ang pagluluwang o mobility ng mga tao at hindi umano sa backlog ng bilang ng mga pasyente.