-- Advertisements --
image 483

Muling nanawagan ang grupo ng mga eksperto sa pamahalaan na supurtahan ang panukalang paggamit ng medical marijuana.

Maalalang kahapon ay inilabas ng isang independent body ang resulta ng survey nito kung saan 63% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa Medical Marijuna.

Kasunod nito, sinabi ni Dr. Gem Mutia, isang Adult Medicine Specialist at Founder ng Philippine Society of Cannabis Medicine, na una na ring nagbigay ng go signal ang United Nations Office on Drugs and Crime, para sa medicinal marijuana.

Nangangahulugan ito aniya na kinikilala ng UN ang kahalagahan ng medicial marijuana, para magamot ang ibat ibang klase ng sakit.

-- Advertisement --

Kabilang sa mga sakit na maaaring gamitan ng medical marijuana ay ang chronic pain, cancer para sa chemotherapy, multiple sclerosis, epilepsy, drug dependence at health disorder.

Apela ng Philippine Society of Cannabis Medicine sa mga mambabatas, apprubahan na ang sampung proposed bill na nagsusulong para sa pagsasaligal ng paggamit ng canabis bilang isang uri ng gamot.