-- Advertisements --

Kinalampag ng ilang grupo ng mga employers at workers ang gobyerno na muling pag-aralan ang pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Sa gitna ito ng mga pangamba hinggil sa posibleng maging malaking epekto ng naturang programa sa kabuhayan ng mga Driver at operators ng mga pampublikong jeepney sa bansa.

Sa isang joint statement ay hinikayat ng mga grupong Philippine Chamber of Commerce and Industry, Trade Union Congress of the Philippines, Employers Confederation of the Philippines, Federation of Free Workers, Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, at Philippine Exporters Confederation ang pamahalaan ang muling pagrerebisa sa naturang programa.

Anila, layon nito na matugunan ang legal, financial, at human rights infirmities nito, kasabay ng panawagang suspendihin din ang deadline para sa consolidation ng mga PUV.

Habang ipinanawagan din nila ang pagbuo ng isang abot-kaya, sustainable, at carbon-neutral mass transport system sa bansa.

Samantala, bukod dito ay ipinunto rin ng naturang mga grupo ang mga hirap na dinadanas ngayon ng mga PUV drivers at operators gayundin sa mga magiging epekto ng pagpapatupad ng PUV consildation at Modernization sa bansa.