Nanawagan ang grupo ng mga may-ari ng fitness center sa gobyerno na payagan silang mag-operate kahit na inilagay sa mas mahigpit na quarantine restrictions ang bansa.
Ayon sa Philippine Fitness Alliance na marami sa kanilang empleyado ang nawalan ng trabaho at ilan sa kasamahan nila ay nagsara dahil sa tigil operasyon nila.
Malaki aniya ang tulong nila sa pagpapaganda ng kalusugan ng mga indibidwal sa pamamagitan ng pagsasagawa ng regular na ehersisyo para mapalakas ang immune system nila.
Mula pa noong sila ay pinayagan magbukas sa buwan ng Setyembre 2020 ay naghigpit sila sa implementasyon ng mga health protocols gaya ng pagsuot ng mga face mask sa mga empleyado at mga kliyente at ang regular na pag-disinfects sa mga kagamitan.
Lumapit na rin ang grupo kay Ang Probinsiyano Party List (APPL) Representative Alfred Delos Santos para maiaparating ang apela sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni Delos Santos na dapat ireclassify ang mga fitness center.
Magugunitang kabilang ang mga fitness gyms na hindi pinayagang mag-operate matapos ilagay sa general community quarantine with heigthened restrictions ang National Capital region.