-- Advertisements --
Pinabulaanan ng Philippine Fitness Alliance na maraming mga hawaan ang nangyayari sa mga fitness gyms.
Sinabi ng nasabing grupo na sa mahigit na 600,000 na kanilang miyembro sa mga buwan kung saan sila bukas ay walang naitalang pagkakahawa ng mga virus.
Iginiit din nila na ang mga fitness gyms ay ligtas na lugar para mapalakas ang immunity ng isang tao basta nasusunod ng mahigpit ang mga ipinapatupad na health protocols.
Reaksyon ito ng grupo sa naging pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque na itinturing na super spreader ang mga fitness gyms ng COVID-19 kaya sila ay pansamantalang ipinasara.
Hiling din nila na sila ay pagbigyan na mabuksan para manumbalik ang negosyo at makatulong sa mga tao na mapalakas ang kanilang resistensiya.