Hinimok ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang Inter-Agency Task Force na obligahin ang mga biyahero na sumailalim sa COVI-19 testing sa entry point ng mga lalawigan.
Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., hihilingin daw nila sa IATF na payagan sila na magsagawa ng alinman sa PCR test, saliva test o antigen test upang madetermina kung positibo sa virus ang mga magtutungo sa kanilang mga lokalidad.
Sakali namang antigen test ang gagamitin ng isang LGU at magpositibo rito ang isang indibidwal, sinabi ni Velasco na agad nila itong ika-quarantine at isasailalim sa confirmatory swab test.
Noong Marso 1 nang bawiin ng pamahalaan ang travel authority na inisyu ng PNP at ocal health certificate requirements para sa domestic travel.
Nababahala din daw si Velasco na maraming mga indibidwal ang asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19.
Iginiit din ng opisyal na mahirap daw malaman kung carrier ng virus ang isang indibidwal kung susundin ang IATF Resolution 101.