-- Advertisements --
Humihirit ang grupo ng mga gumagawa ng sardinas ng dagdag presyo ng kanilang produkto.
Ayon kay Francisco Buencamino, Executive Director ng Canned Sardines Associaton of the Philippines, na ramdam nila ang pagtaas din ng mga ibang mga produkto sa bansa.
Isa ng inihalimbawa nito ang pagtaas na rin ng tin can o lata na kanilang ginagamit.
Dahil dito ay nais nila ng dagdag ng hanggang P4.00 ang pagtaas sa kada delata ng sardinas.
Umabot na aniya ng tatlong taon an silang nalulugi dahil sa mga pagtaas ng mga presyo ng mga sangkap na kanilang ginagamit sa sardinas.
Humingi na rin ito ng pang-unawa sa mga mamamayan sa hirit nilang ito na taas presyo.