Binatikos ng Alliance of Concernes Teachers (ACT) ang Commission on the Filipino Language (CFL) sa plano nitong pagbuwag sa Filipino sign Language (FSL) unite nito na magdudulot ng retrench sa kanilang deaf personnel.
Sa isang statement, sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng impormasyon na nagpasya ang Komisyon na buwagin ang filipino sign langauge matapos na mag-demand nag kanilang personnel ng napapanahong paglalabas ng kanilang mga sahod.
Ang naturang aksiyon din aniya ay hindi makatao at nakakababa ng karapatan at dignidad ng Deaf community.
Binanggit din ng ACT teachers partylist ang Filipino Sign Language Act na nagsasaad na dapat ang Filipino Sign Language ang opisyal na sign language ng pamahalaan sa lahat ng transaksiyon na sangkot ang mga deaf. Minamandato din sa naturang batas ang paggamit ng filipino sign langiage sa mga paaralan, broadcast media at lugar ng trabaho.
Sinabi din ng grupo naa kanilang sinusuportahan ang pagprotekta sa mga karapatan at kapakanan ng Filipino deaf community at iba pang persons with disabilities.
Kaugnay nito, nanawagan ang ACT sa administrasyong Marcos na tiyakin ang full implementation ng Filipino sign Language ACT at dapat na maging available din ang mga serbisyo para sa Filipino Deaf community at PWDs.
Samantala, nagsagawa naman ng rally ang mga miyembro at supporter ng PH Federation of the Deaf sa Liwasang Bonifacio kahapon para tutulan ang pagbuwag ng Filipino sign langauge unit.