-- Advertisements --

Hiniling ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Comelec na dagdagan ang honorarium ng mga gurong nagsilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) dahil sa extended na oras na inilaan sa halalan.

Ayon kay ACT secretary general Raymond Basilio, may ilang guro na umabot sa 24 na oras ang serbisyo para sa eleksyon.

Pangunahing rason umano rito ang pagpalya ng maraming vote counting machines (VCM) at sirang SD cards.

Sa pagtaya ni Basilio, aabot sa 10,000 BEIs ang naglaan ng sobra-sobrang oras sa polling centers mula Mayo 13 hanggang 14, 2019.

Hangad ng grupo na maaksyunan ang kanilang kahilingan sa lalong madaling panahon.