-- Advertisements --
Ikinatuwa ng Teachers Dignity Coalition ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay incoming Department of Education Secretary Sonny Angara na palakasin ang pagtuturo ng kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni TDC president Benjo Basas na mahalaga para sa mga bata na pag-aralan ang mga kasaysaysan ng bansa.
- Grupo ng mga guro ikinatuwa ang kautusan ni PBBM sa DepEd na iprioridad ang Philippine History
- Incoming DepEd Sec. Angara, iginiit na walang kautusan mula kay PBBM na baguhin ang itinuturong kasaysayan
Dagdag pa nito na maituturo sa mga bata na ang pagkakamali noon ay hindi na marapat na maulit pa.
Iminungkahi nito na dapat maglaan ng sapat na pondo ang DepEd para sa mga libro o digital form na babasahin ng mga mag-aaral sa pag-aaral nila ng kasaysayan.