-- Advertisements --
Sumulat ang grupong Alliance of Health Workers (AHW) kay Pangulong Rodrigo Duterte para humingi ng dayalogo dahil sa mga hinaharap na problema ngayong COVID-19 pandemic sa bansa.
Pirmado ang sulat ng 24 na union leaders mula sa Philippine General Hospitals, National Center for Mental Health, Research Institiute for Tropical Medicine at Philippine Heart Center at iba pa ang naturang hakbang.
Bukod sa mga sakripisyo na kanilang iginugol mula ng magsimula ang pandemiya ay idinadaing din nila ang mga benepisyo na dapat nilang tanggapin.
Nanawagan din ang grupo ng malawakang pagkuha ng mga health workers na mayroong permanent plantilla posisyon dahil sa marami sa kanila ngayon ay halos wala ng pahinga sa trabaho.