LEGAZPI CITY – Kontra ang grupo mga health workers sa economic Charter Change na isinusulong ngayon sa Kongreso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Alliance of Health Workers President Robert Mendoza, marami pang mas malalaking problema ang Pilipinas na dapat na matutokan ng gobyerno kaysa sa pagbabago sa konstitusyon.
Kasama umano sa mga problemang ito ang kakulangan ng trabaho sa Pilipinas, mababang pasahod at delay na pagbibigay ng benipisyo ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Ayon kay Mendoza, ilang taon na rin na ipinananawagan ng mga health workers na maibigay ang kanilang mga benipisyo at mapaganda ang kondisyon ng mga pampublikong ospital subalit hindi naman natutotokan ng gobyerno.
Dahil dito maraming nagtatrabaho sa sektor ng kalusugan ang lumipat na ng propesyon o nagpunta sa ibang bansa kung saan may mas magandang opurtunidad.
Hindi lamang umano sa mga health workers subalit ganto rin ang problema ng mga empleyado ng gobyerno at maging mga pribadong kompanya.
Panawagan ng grupo sa mga opisyal ng gobyerno na pakinggan ang hinaing ng nakararaming Pilipino at bigyang pansin ang mga bagay na mas kailangan ngayon ng bansa.