-- Advertisements --

Nais ipapanagutin ng grupo ng mga healthworkers ang ilang opisyal ng Department of Health (DOH) dahil sa nasayang o na-expired na gamot na nagkakahalaga ng P7.4 bilyon.

Sinabi ni Alliance of Health Workers president Robert Mendoza, na isang kalabisan na ang ginawa na ito ng DOH kaya dapat ay managot.

Hiniling na lamang nito na dapat ang 2024 budget ng DOH ay mapuntang direkta sa maintenance at ilang gastusin ng 69 DOH affiliated hospitals para maiwasan ang pagkasira ng mga gamot.

Magugunitang inilabas ng Comission on Audit noong Setyembre 6 na mayroong mahigit P7.4-B ang nadiskubre nilang expired na o may damyos dahil sa overstocking at ito ay hindi naidistribute ng tama.