Umaasa ang grupo ng mga hog raiser na papayagan na sa lalong madaling panahon ang paggamit sa bakuna kontra African Swine Fever sa para sa commercial use.
Ang naturang grupo ay binubuo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP), National Federation of Hog Farmers (NFHF), at Pork Producers Federation of the Philippines (PPFP),
Ito ay kasabay ng naunang pagbabakuna sa mga baboy sa ilang lugar sa Batangas na ginawa ng Department of Agriculture(DA).
Katwiran ng grupo, ang pagpayag ng DA at ng Food and Drugs Administration para sa commercial use ng anti-ASF vaccine ay nangangahulugang mas maraming mga baboy ang mababakunahan at mapoprotektahan mula sa ASF.
Mas marami umanong mga meat producer at mga konsyumer ang makikinabang sa ganitong sitwasyon.
Unang nagsagawa ng vaccination drive ang DA sa bayan ng Lobo, Batangas at planong isunod din ang mga kalapit na lugar sa Calabarzon Region.
Sa kasalukuyan ay mayroong 458 brgy mula sa 15 region sa buong bansa ang nasa ilalim ng ASF red zone.
Pinakamarami dito ay mula sa North Cotabato na mayroong 87 kabuuang Brgy.