CENTRAL MINDANAO-Nakiisa sa Provincial Launching ng International Women’s Month 2023 para sa unang distrito ng lalawigan si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Ito ay ginanap sa Brgy. Kitubod, Libungan, Cotabato na pinangunahan ng Provincial Governor’s Office-Gender and Development (PGO-POPGAD)Division at dinaluhan ng mga kababaihan mula sa nasabing barangay.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad sa nasabing selebrasyon ay ang orientasyon hinggil sa RA No. 11596, Administration of Family Planning Method, Search for Outstanding Women Organization, Animal Dispersal Program para sa Women’s Organization, STEP Orientation at Search for Empowered Single Mother.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat naman si Governor Mendoza sa lahat ng kababaihan sa buong lalawigan sa kontibusyon nito at pagsisikap para sa kanilang pamilya at komunidad.
Ang aktibidad ay dinaluhan din nina Board Member Roland Jungco, Libungan Mayor Angel Rose Cuan, Former Board Member Rosalie Cabaya, mga opisyal ng barangay at kawani ng POP-GAD.