-- Advertisements --

Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga Kristiyano sa Syria matapos ang panununog ng Christmas tree sa Damascus.

Kumalat sa social media ang pagsunog ng hindi pa kilalang lalaki sa nakatayong Christmas Tree.

Tiniyak naman ng rebelde na nandoon na kanilang papanagutin ang suspek na nasa likod ng insidente at agad na itatayo ang nasabing Christmas Tree.

Nanawagan na lamang ang mga grupo ng Kristiyano sa Syria na dapat sila ay mabigyan ng katiyakan na sila ay maprotektahan.

Nangyari ang insidente ilang linggo matapos na mapalayas ng mga rebeldeng grupo si President Bashar al-Assad.