Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga na dismissed na trabahante ng Light Rail Transit Authority kaninang umaga sa harapan ng Korte Suprema.
Panawagan ng grupo sa Kataas-taasang Hukuman na paburan ang kanilang pangalawang inihain na MOR matapos na ibasura ang kanilang unang apela para makuha ang kanilang mga money claim.
Kung maaalala, batay sa naging desisyon ng Supreme Court noong buwan ng Agosto, pinagtibay nito ang findings ng COA na nagsasabing hindi na maaaring makakuha ng anumang kompensasyon ang mga na dismmissed na trabahante ng Light Rail Transit Authority.
Nabatid na terminated na ang kontra ng Metro Transit Organization Inc. sa Light Rail Transit Authority matapos na hindi na i-renew ng LTRA ang kasunduan nito.
Dahil dito ay naghain ang mga manggagawa ng reklamo laban sa Metro Transit Organization Inc. at Light Rail Transit Authority dahil sa umano’y illegal dismissal.
Ipinag-utos ng Labor Arbiter sa dalawang kumpanya na bayaran ang mga manggagawa ng P208.2 million bilang separation pay at backwages.
Giit ng SC, walang hurisdiksyon ang Labor Arbiter at National Labor Relations Commission sa LRTA kaya’t hindi na ito liable sa naturang usapin.