Hiniling ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) para ma-etend ang paggamit sa Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Batay kasi sa nilalaman ng Rice tariffication Law, ang pondo paa sa RCEF ay kokolektahin na hanggang sa 2024 na lamang.
Ayon kay PCAFI president Danilo Fausto, nais nilang ma-extend ang RCEF upang lalo pang mapalawak ang matulungang mga magsasaka sa ilalim ng naturang pondo.
Ani Fausto, ang P5 billion na pondong nakalaan sa ilalim ng mechanization sector ay maaaring ibigay bilang insentibo sa mga local firms at grupo ng mga magsasaka.
Sa ilalim ng RTL, mayroong P10 billion na nakalaan sa Rice Competitiveness Enhancement Fund taon-taon na ginagamit sa ibat ibang programa.
P5billion dito ay nakalaan sa mechanization, habang P3billion ang nakalaan para sa distribusyon ng high-yielding seeds.
Ang nalalabing P2 billion ay para sa dalawang farmer support program kung saan P1billion ang nakalaan para sa training at capacity building ng mga magsasaka, at P1 billion ang nakalaan para sa credit support.