-- Advertisements --

Kumbensido ang Samahang Industriya ng Agrikultura na ang ang lokal na produksyon ng palay at mais sa bansa ay gaganda sa susunod na taon.

Ayon sa grupo, umaasa sila na makakabawi na ang mga magsasaka sa pagpasok ng taong 2025.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture , na karamihan sa mga lokal na produksyon ng palay ay hirap ngayon matapos na tumama ang El Niño at sunod-sunod na kalamidad sa bansa.

Ekta-ektaryang mga sakahan sa bansa ang talaga namang pinadapa ng mga bagyong dumaan sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, posibleng maabot ng Pilipinas sa 2025 ang 20 million metric tons sa kabuuang produksyon na nawala dahil sa kalamidad.

Nanawagan rin ang mga ito sa gobyerno para sa dagdag na pondo sa mga magsasaka at maibalik ang ipinapataw na taripa sa bigas.

Sa pamamaraang ito ay kukunti na ang pag-aangkat ng bigas na malaking kalugihan naman sa mga lokal na magsasaka.