-- Advertisements --

Maglulunsad ng rally ang grupo ng mga manggagawa para iprotesta ang agarang pagbibigay ng taas-sahod ngayong araw.

Inaasahang sasama sa naturang rally ang mga miyembro ng Union for Wage Increase Now na isasagawa sa tanggapan ng Department of Labor and Employment central office sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa labor group, umaapela ang mga manggagawa ng makabuluhang wage hike.

Maaari aniyang maisagawa ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng wage hike order o legislation.

Iginiit ng grupo na nagtitiia ang mga manggagawa sa buong bansa sa mababang pasahod.