-- Advertisements --

Nanawagan ang ederation of Free Workers (FFW) kay Senate President Chiz Escudero na bigyang prioridad ang nakabinbin na wage hikes at ilang mga pro-workers measures.

Ayon kay FFW president Sonny Matula na kilala nila si Escudero na binibigyang halaga ang kapakanan ng mga manggagawa.

Noon pa man aniya ay hinihikayat na ng senador ang mga employers at ang Department of Labor and Employement na suportahan ang national legislated wage hike.

Handa rin ang grupo na makipagtulungan sa senado para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa.