Nananawagan ngayon ng accountability at compensation ang ilang grupo ng mangingisda sa lalawigan ng Cagayan dahil sa dredging operations sa ilang marine ecosystem at napaghuhulihan nila ng isda.
Ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) , malaki ang epekto nito sa kabuhayan ng mga mangingisda sa lugar.
Dahil sa paghuhukay na ito ay patuloy na kakaunti ang huling isda ng mga maliliit na mangingisda.
Kabilang sa mga apektadong mga mangingisda ay mula sa Aparri at mga katabing coastal na bayan .
Bumaba ang kita ng mga mangingisda sa P7,000 per fishing trip ng halos 900 pesos sa kasagsagan ng paghuhukay sa lugar.
Sa ngayon ay naglalaro na lamang sa P3,000 hanggang P4,000 ang kinikita ng maliliit na mangingisda kada palaot ng mga ito.
Ayon kay Pamalakaya Secretary General Salvador France , kahit na natapos na ang operasyon sa Cagayan River, patuloy paring naaapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Dahil dito ay apela ng grupo na kailangang may managot at magbayad sa iniwang epekto nito sa kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda sa lugar.