-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi sang-ayon ang grupo ng mga mangingisda sa joint maritime cooperative activity na isinagawa ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Pando Hicap ang Presidente ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, mas lalo lamang umano lumalala ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo at nagpapagalit sa China ang joint military exercise.

Binigyang diin din ni Hicap na makailang ulit ng nakapagsagawa ang Pilipinas ng military exercise kasama ang iba pang mga bansa subalit wala naman itong epekto sa sitwasyon sa nasabing parte ng karagatan.

Sa huli ay ang mga mangingisda pa rin na pumapalaot sa West Philippine Sea ang naapektohan ng mga panghaharass ng China.

Panawagan ng grupo na gumawa na ng kongretong hakbang ang gobyerno kagaya ng pagpapatayo ng pasilidad at pagdagdag ng nagpapatrolyang barko ng Philippine Coast Guard sa mga pinag-aagawang teritoryo.