Nakatakdang magkasa ng fishing expedition sa West Philippine Sea ang isang grupo ng mga mangingisda na PambansangLakas ng Kilusang Mamamalakaya (PAMALAKAYA) ngayong araw.
Sa gitna ito ng inanunsyong unilateral fishing ban ng China sa West Philippine Sea kung saan nagbanta pa ito na aarestuhin ng mga tauhan ng China Coast Guard ang sinumang indibidwal na manghihimasok umano sa kanilang inaangking teritoryo na hindi dumadaan sa kaukulang paglilitis.
Ayon sa national vice Chairperson ng grupong PAMALAKAYA na si Ronnel Arambulo, layunin ng kanilang isasagawang aktibidad na bigyang-diin at itaguyod ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipinas sa West Philippine Sea na nasa loob ng teritoryo ng ating bansa.
Sa layon 20 to 30 nautical miles mula sa bayan ng Masinloc nila pinaplanong isagawa ang kanilang fishing expedition.
Mamayang alas-3:00pm isasagawa ang send-off mass para sa naturang aktibidad, habang alas-4:00pm naman magsisimula ang kanilang paglalayag, at ang fishing expedition naman isasagawa bandang alas-7:00pm, at nakatakda rin na makabalik sa pampang bukas, Biyernes, bandang alas-6:00am.