-- Advertisements --
Ipinanawagan ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas o Pamalakaya sa Department of Environment and Natural Resources na magsagawa ng imbestigasyon sa ilang serye ng pagbaha sa isang barangay sa Biñan City, Laguna.
Ayon sa grupo, ang naturang barangay ay binabaha kahit na mainit ang panahon.
Dahil umano sa isinasagawang reclamation sa lugar ay nawala na ang creek sa naturang barangay.
Mismong ang lokal na pamahalaan umano ang gustong palawakin ang lupa at kabilang na ito sa reclamation project.
Apektado naman ang mga residente sa lugar dahil natabunan na ang creek.
Ayon sa grupo, aabot sa 20,000 na residente ang apektado ng nasabing aktibidad.