Nagpakawala o nag-release ng higanteng boya effigy (giant buoy) ngayong umaga ang isang grupo ng mangingisda sa Masinloc, Zambales.
Ginawa ito ng grupo sa isla ng San Salvador, Zambales.
Ito’y upang iparating sa bansang China ang kanilang gutom at galit dahil sa patuloy na pangha-harass at agresyon sa Scarborough Shoal.
Sa isang pahayag matapos ang pagpapalyag sa boya, ang Asosasyon ng mga Mangingisda sa Masinloc ay ibinahagi ang naganap na pagpapakawala sa higanteng boya na may nakasulat na “Atin Ang Pinas” na tanda ng pag-angkin ng mga mangingisda sa kanilang pinagkukuhanan ng kabuhayan.
Ayon kay Kagawad Richard Pascual at incoming kapitan ng isla ng San Salvador, umaasa sila a biyaya ng karagatan kung saan dito kinukuha ang pagkain, hanapbuhay, at kasiyahang dulot ng simpleng pamumuhay.
Ang patuloy na harassment at agresyon na ginagawa laban sa mga mangingisda sa Scarborough ay lubos na nakakaapekto sa kanilang kabuhayan.
Dagdag pa ni Pascual na ang gutom at galit nila ay bunga ng patuloy na pagpigil ng Tsina sa pangingisda sa Scarborough.
Nagpapasalamat naman ang mga mangingisda sa lokal na pamahalaan, Philippine Coast Guard at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa patuloy na ayuda sa mga mangingisda gsyundin ang
Hiling ng mga mangingisda na sana ay maipagpatuloy ang payapang paglalayag sa karagatan ng Pilipinas upang buhayin kani-kanilang pamilya.