Malugod na tinanggap ng isang grupo ng mga mangingisdang Pilipino ang panawagan ng anim na Catholic bishops na humihimok sa gobyerno na protektahan ang mga mangingisda mula sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa progresibong grupo ng mangingisda na Pamalakaya, ang pahayag ng mga obispo ay higit na nagpapalakas sa kanila na hingin ang pinabuting patakarang panlabas mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay higit na nagpapalakas sa kahilingan ng grupo sa gobyerno na palakasin ang mga hakbang nito sa pagtiyak ng mga karapatan ng pangingisda ng mga Pilipino sa teritoryo ng bansa.
Pagkatapos nito, ay ipinalabas ng grupo ang kanilang pagkadismaya sa umano’y pag-asa ng administrasyong Marcos sa tulong ng United States (US) sa patakaran nito sa WPS.
Matagal nang itinaguyod ng Pamalakaya ang isang indepedent foreign policy mula sa gobyerno, na sinasabing ang pag-asa sa anumang superpower ay maaaring magpalala pa ng sitwasyon sa pinagtatalunang karagatan.
Matatandaan na noong Pebrero 4, anim na obispo ang nagsabi na dapat protektahan ang mga mangingisdang Pilipino na makapangisda sa bahagi ng West Ph Sea.