-- Advertisements --

Nakulangan ang grupo ng Canned Sardines Association of the Philippines sa inilabas na bagong suggested retail price (SRP) ng mga de latang sardinas.

Ayon kay Sardines Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino, na ang hirit talaga nila sa Department of Trade and Industry (DTI) ay P3.00 kada lata.

Nangangahulugan nito na dapat ay P21 ang bawat presyo ng mga sardinas para sila ay mayroon ng kita.

Ilan sa mga paraan na kanilang pinag-aaralan ay dalhin muna ang kanilang mga sardinas na produkto sa mga sari-sari store at hindi sa mga malalaking supermarket para sila ay makatipid.

Isa rin na paraan para makatipid ang kanilang grupo ay pag-aaralan nila ang pag-angkat ng isdang tamban mula sa ibang bansa.