-- Advertisements --

Umaasa ang grupo ng mga negosyante na magiging maiksi lamang ang ipapatupad na Alert Level 3 sa Metro Manila para hindi mabawasan ang galaw ng negosyo.

Sinabi ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry Incorporated (FFCCII) chairman George Siy na dahil sa pagpapatupad ng mataas na alert level sa Metro Manila ay tiyak na mababawasan ang mga negosyo.

Malaki rin ang posibilidad na magsara pansamantala ang mga negosyo dahil sa pagbabalik ng mataas na alert level.

Kung sakaling mga dalawang linggo lang ang pagpapanatili ng Alert Level 3 ay makakayanan pa ng mga negosyo.

Magugunitang inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na aabot sa mahigit 100,000 mga manggagawa ang apektado ng mas pinataas na alert level sa Metro Manila.