-- Advertisements --
MAP management Assocaition

Kinontra ng Management Association of the Philippines (MAP) ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaasa sa China sa paglabas ng bakuna laban sa coronavirus bago tuluyang makabangon ang ekonomiya ng Pilipinas.

Sinabi ni MAP president Francis Lim, imposibleng unahin ng China na mabigyan ng bakuna ang Pilipinas sakaling nakagawa na sila ng bakuna.

Dagdag pa nito, sa laki ng populasyo ng China ay posibleng unahin muna nila ang kanilang mamamayan bago ang ibang bansa.

Umaasa naman ito na sana hindi na maibalik pa ang bansa sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa labis na maaapektuhan na ang ekonomiya.