-- Advertisements --

Ikinatuwa ng grupo ng mga negosyante ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, para tuluyang maging batas ang Tatak Pinoy Act.

Layon ng nasabing batas na magiging prioridad na ang mga produktong Pinoy sa mga bibilihin ng gobyerno sa loob ng 10 taon.

Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman George Barcelon, na ang nasabing batas ay lalong manghihikayat sa mga lokal na manufacturers na magiging competitive sa mga kalidad ng kanilang produkto.

Dahil rin sa nasabing batas aniya ay magkakaroon ng pagtaas ng bilang ng mga magkakatrabaho sa bansa.

Dagdag pa nito na mahalaga ang magkaroon agad ng mga target market para mabilis na gumalaw ang mga produkto.