-- Advertisements --

Kinondina ng mga grupo ng negosyante sa bansa ang ginawang harassment sa mga kasundaluhan ng ating bansa sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa inilabas na kalatas ng 17 mga business group sa bansa na labis silang nalulungkot sa nasabing pangyayari dahil ginagawa lamang ng mga kasunduluhan, Philippine Coast Guard ang kanilang trabaho.

Umaapela ng pagkakaisa at hindi marahas na solusyon na rumerespeto sa ating karapatan bilang mapagmahal na mamamayan.

Hinikayat din nila ang gobyerno na dapat ay magkakaroon ng makabagong kagamitan ang mga AFP at PCG para maging responsive at self-reliant na defense forces.