-- Advertisements --

Humiling ng paglilinaw mula sa Department of Education (DepEd) ang grupo ng mga negosyante sa bansa kung nararapat na bang isagawa ang face-to-face classes sa bansa.

Ayon sa Management Association of the Philippines,0 isang malaking isyu ngayon ang face-to-face classes dahil ang hindi nagiging epektibo ang ipinapatupad na online learining.

Ang hindi sabay-sabay at magkakaibang uri ng pag-aaral ay malaking epekto ito sa mga kabataan at sa bansa.

Dagdag pa ng grupo na dapat ay mayroong malinaw na plano ang gobyerno kung nararapat na bang ituloy ang face-to-face classes ganun din ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga may edad 12 hanggang 17-anyos.