Nagbabala ang grupo ng mga negosyante na maaring malugi sila ng P35 bilyon kapag naipatupad na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang Administrative Order 04–2021 ang bagong sistema na nagbibigay ng technology infrastructure kabilang na ang container tracking program.
Ang nasabing mga grupo ay pinangungunahan ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCI), Philippine Exporters Confederation (PHILEXPORT), Supply Chain Management Association of the Philippines (SCMAP), Philippine Association of Meat Processors, Inc. (PAMPI) at iba pa na nanawagan na huwag ng ituloy ang implementasyon ng Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System and Empty Container Storage Shared Service Facility (TOP-CRMS/ECSSSF).
Ang nasabing programa aniya ay naglalaman ng mga inter-related program components na tinatawag gaya ng container identification and control porgram, container tracking program at container availability and insurance program.
Dagdag pa ng grupo na ang dagdag na gastusin gaya ng insurance fees, transaction fees at trucking fee para sa nasabing batas ay magreresulta sa posibleng pagtaas din nila ng kanilang mga importing cost.
Idinulog na nila ang kanilang mga hinaing sa ilang mga mambabatas at umaasa sila na ito ay kanilang matugunan.