-- Advertisements --

Nanawagan ang grupo ng negosyante sa bansa sa gobyerno na huwag gawing minsanan ang hinihinging dagdag sahod ng mga guro.

Sa pinagsamang pahayag ng Makati Business Club, Management Association of the Philippines, Action for Economic Reforms, Financial Executives Institute of the Philippines, Foundation for Economic Freedom, at Philippine Business for Education, sinabi ng mga ito na dapat bigyan din ng pansin ng Department of Education (DepEd) ang private school teachers.

Hinikayat din nila ang gobyerno na dapat maging pantay ang pagtingin nila sa mga public at private school teachers.

Dahil aniya sa pagtaas ng sahod sa mga public school teachers ay dumarami na ang bilang ng mga private school teachers na lumilipat na sa pagtuturo sa public schools.