-- Advertisements --

Nanawagan ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (PCCI) na dapat ay huwag balewalin o maliitin ang ipinataw na taripa ni US President Donald Trump.

Sinabi ni PCCI president Enunina Mangio na ang US tariff policies ay binibigyan nila ngayon ng pansin.

Nagdudulot ito ng hamon at oportunidad sa mga exporters sa bansa.

Ilan sa mga tinukoy ng grupo ay ang ipinapatupad na retaliatory measures ng ibang bansa kung saan magiging apektado ang global market dito kasama na ang Pilipinas.

Mararamdaman ito ng mga maliliit na negosyo gaya ng mga nasa agrikultura at food processing sa bansa.

Una ng sinabi ng Department of Trade and Industry na bukas ang gobyerno sa pagbawas ng taripa sa mga US import bilang kasagutan sa reciprocal tariff.