-- Advertisements --
Mariing kinokontra ngayon ng Management Association of the Philippines (MAP) ang panukalang pagpapasara ng EDSA Busway.
Sinabi ng grupo na dapat ay huwag pag-initan ang EDSA Busway at sa halip ay maghanap ng ibang paraan para gumaan ang trapiko.
Ilan sa mga tinukoy ng grupo na maaring makatulong ay ang paggamit ng Mabuhay Lanes.
Hinikayat pa ng grupo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat magsagawa ng mahigpit na pagbabantay at clearing operations sa mga mabuhay lanes para makadaan ng maayos ang mga sasakyan.
Una ng sinabi ng Department of Transportation na hindi nila tatanggalin ang EDSA Busway.