-- Advertisements --

Umaasa ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na hindi makakaapekto sa ekonomiya ng bansa ang hakbang na pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni PCCI George Barcelon, na gaya rin ng mga ordinaryong mamamayan ay naghihintay lamang sila kung ano ang hakbang ng mga mambabatas.

Umaasa ito na alam ng mga mambabatas kung ano ang makakabuti para sa bansa.

Naniniwala din ito na ang kaguluhan sa pulitika ay may malaking epekto sa lagay ng ekonomiya.