-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta ang Management Association of the Philippines (MAP) sa ipinatupad na taas pasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).
Ayon sa grupo na layon nito ay para magkaroon ng improvement ang inalagak na investmetn ng private operator at mapalawig din ang maabot ng railway system.
Paliwanag pa nila na kahit na hindi pa nailabas ang tiyak na taas pasahe ay nagawa rin ng LRTI ang pagpalawig ng Dr.A.Santos Avenue.
Matagal na rin aniya dapat na ipatupad ang nasabing taas pasahe para na rin sa kagandahang serbisyon ng LRT-1.
Magugunitang nitong Abril 2 ng ipinatupad ang taas pasahe kung saan ang single journey ay mayroon ng P20 habang ang end-to-end rate na biyahe ay magiging P55 na ngayon.