Nagpahayag ang grupo ng mga negosyante sa bansa ng suporta sa tuluyang pagtanggal ng Philippine offshore gaming operators (POGO) dahil sa mga iligal na aktibidad nila.
Ayon sa nasabing grupo na sang-ayon sila sa rekomendasyon ni Finance Secretary Ralph Recto at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na tuluyang pagbawalan ang operasyon ng POGO sa bansa.
Gaya aniya ng pahayag ng NEDA na ang POGO ay may minimal na kontribusyon na 0.2 percent sa ekonomiya ng bansa.
Labis aniya sila nababahala dahil sa dami ng mga insidente na kinasangkutan ng mga nagpapatakbo ng iligal na POGO.
Ang mga grupo ay binubuo ng e Makati Business Club, Alyansa Agrikultura, Financial Executives Institute of the Philippines, Foundation for Economic Freedom, Institute of Corporate Directors, Justice Reform Initiative, Management Association of the Philippines at UP (University of the Philippines) School of Economics Alumni Association.