Nanawagan ang grupo ng mga negosyante sa bansa na ipasa na ang P1.3 trillion stimulus bill.
Ayon kay Management Association of the Philippines (MAP) President Francis Lim, na nagulat sila ng hindi isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy of the Philippines o ARISe bill.
Ang nasabing panukalang batas aniya ay epektibong paraan para tugunan ang problema sa ekonomiya ng bansa kung saan magbibigay ito ng wage subsidies, cash aid at training para sa mga displaced workers.
Ikinatuwa naman nila ang pagsulong ng pangulo ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprise o CREATE ganun din ang Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) bill noong ika-limang State of the Nation Address niya.
Layon kasi ng CREATE na mapababa ang corporate income taxes habang ang FIST ay pagpayag sa mga banko para i-dispose ang mga bad loans.