-- Advertisements --

Hiniling ng grupo ng mga nurses sa bansa na maglaan dapat ang gobyerno ng P100,000 sickness benefit sa lahat ng healthcare workers na nadapuan ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Filipino Nurses United President Maristela Abenojar, naiparating na nila ang kanilang apila sa Department of Health (DOH).

Dapat aniya na hindi lamang ang mga nasa severe situation sa nasabing sakit ang mabigyan dahil mabilis na kumalat at lumala ang mga sakit.

Mahalaga rin aniya na mabigyan ng kakailanganin ang mga healthworkers sa bansa para sa kanilang sickness benefit na malaking tulong sa kanilang pamilya.