Aminado ang isa sa malaking grupo ng magtitinapay sa bansa na hindi nila maipapapangako na walang magiging umento sa presyo ng tinapay hanggang matapos ang taong 2024.
Ayon kay Chito Chavez, presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, patuloy pa nilang binabantayan ang presyo ng mga raw materials.
Partikular na rito ang arina na inaangkat lamang sa ibang bansa.
Maging ang cooking oil at liquified petroleum gas ay malaki rin umano ang epekto kapag nagkakaroon ng price adjustment sa pandaigdigang merkado.
Samantala, sinabi ni Chavez na umaasa silang mabibigyan din ng subsidiya ng pamahalaan ang mga maliliit na bakery sa bansa.
Ito ay sa harap ng pagkalugi ng ilan kapag nagtataasan ang presyo ng mga gamit sa paggawa ng tinapay.
Kung nagagawa umano ang pagkakaloob ng subsidiya sa ibang sektor, hangad din nilang mabigyan ng pansin ang mga magtitinapay.