-- Advertisements --
AMRSP Religious Superiors

Umabot na sa 30 ang bilang ng mga petisyon sa Supreme Court (SC) laban sa Anti-Terrorism Law.

Kasunod ito nang paghahain ng ilang mga pari at madre na miyembro ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) at ang Catholic Laity ng petition for certiorari and prohibition sa kataas-taasang hukuman.

Sinabi ni Father Angelito Cortez, executive secretary ng AMRSP na mas kailangan ngayon ng bansa ang batas na magdadala ng hustisya, kapayapaan at integridad kaysa sa isang “inhumane” at “oppressive” na batas.

Iginiit ng pari na ang taong simbahan ay “servants” ng Panginoon at hindi mga terorista.

At dahil daw sa batas ay nahahadlangan at apektado sa negatibong paraan ang misyon ng simbahan.

supreme court
Supreme Court

Sa kanilang petisyon, sinabi nilang ito ay “unique” dahil binibigyang-diin dito ang paglabag ng Anti-Terrorism Law sa “freedom of religious expression” ng simbahan kaya marapat lamang na ideklarang “unconstitutional.”

Sa ikatlong linggo ng buwan ng Setyembre ay isasagawa na ng Korte Suprema ang oral argument sa 30 petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng naturang batas.