-- Advertisements --

Sinisi ng grupong Pork Producers Federation of the Philippines, inc. (ProPork) ang Department of Agriculture dahil umano sa kapabayaan kaya tumaas ang presyo ng mga karneng baboy sa kasagsagan ngayon ng African swine fever (ASF).

Ayon sa bise presidente ng grupo na si Nicanor Briones na hindi naghanda ang DA sa ASF kaya nagkaganun na lamang ang presyo nito.

Kung naging maagap aniya ang DA ay hindi magkakaroon ng taas presyo ng mga karneng baboy sa mga pangunahing palengke.

Inakusahan din nila ang ahensiya na hindi nakikinig sa kanilang mga suhestiyon.

Dagdag pa nito na umabot sa 70 porsiyento ng mga baboy ang nawala sa Luzon dahil sa ASF.

Nanawagan na lamang sila na maglaan ng pondo sa mga piggery owner na nasa Visayas at Mindanao para hindi pa lumala ang pinsala ng ASF.