Umalma ang asosasyon ng mga pribadong eskwelahan sa bansa sa panukalang “No permit, no exam” policy.
Sa isang statement, sinabi ng Federation of Associations of Private School Administrators (FAPSA) na hindi ikinokonsidera ng naturang panukala ang sitwasyon ng mga administrator sa mga pribadong paaralan.
Dapat din aniyang mapagtanto ng mga mambabatas na sa tuitio fees at miscellaneous fees pinatatakbo ang mga private school.
Ipinunto pa ng grupo na kapag ang naturang fees ay hindi nabayaran sa tamang oras, walang pondo ang mga pribadong paaralan na gagamitin para ibigay na sahod sa kanilang mga guro at school personnel at hindi nila mababayaran ang utility bills.
Ipinunto pa ng grupo na maaaring humantong ito sa pagkaantala ng mga klase at pagsasara ng mga pribadong paaralan dahil sa hidni mababayarang utilities.
Una ng inihain ang isang Senate Bill 1359 o ang No Permit, No Exam Prohibition Act” na nagbabawal sa mga pribado at pampublikong paaralan na pagbawalan ang mga estudyante na kumuha ng pagsusulit dahil sa hindi pa nababagyarang matrikula,