-- Advertisements --

Maaga pa ay umeksena na ang ilang teachers mula sa grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa kanilang protesta sa Mendiola Bridge sa Maynila na amalapit sa Malacanang.

Iniaangal nila ang kakulangan pa rin ng suporta at dagdag na pondo mula umano sa national government para sa resumption ng face-to-face classes makalipas ang dalawang taon ng online learning dahil sa COVID pandemic.

Habang umikot naman sa ilang public schools si Vladimir Quetua, ang chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), upang iulat ang ilang kakulangan laban sa COVID-19 pandemic .

liban sa ilang teachers na kulang, may kulang din na mga classroom at may ilang wala ring mga nurse at doktor ang ilang schools at ang inaasahan lamang daw ay sa thermometer ang pag-check sa mga bata na pumapasok para sana sa safe school opening.