Winasak ng isang grupo ng mga migrants na binubuo ng nasa 350 katao ang gate ng Guatemalan-Mexico border noong Biyernes.
Batay sa ulat, sinira ng pangkat ang border gate para makapasok sa southern Mexico kung saan nag-aabang ang isa pang grupo na mayroon namang higit 2,000 katao.
Bagama’t hindi pinangalanan ng National Immigration Institute ang mga nanira sa gate, inilarawan nito bilang agresibo ang mga migrants na inatake pa raw ang isang pulis sa Metapa.
Samantala, marami na rin daw grupo ng migrants sa southern border ng Chiapas ang nalilito sa polisia ng Mexico sa pagpapabagal o pagpapatigil ng proseso ng pagbibigay ng humanitarian at exit visas sa mga borders.
Ang mga grupo ng migrants, na karamihan ay mga Cuban, African, at central Americans ay naghihintay sa mga immigration offices sa Tapachula para sa mga dokumento na magpapahintulot na papasukin sila sa US Border.
Liban dito, halos isang linggo nang nasa Chiapas ang tinatayang nasa 2,500 Central American at Cuban migrants na naghihintay pa rin ng kanilang papeles.