-- Advertisements --
Hinikayat ng grupo ng mga negosyante si Manila City Mayor Isko Moreno na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Inilunsad ng Young Entrepreneurs Supporting Isko Moreno (YES Isko) ang kanilang kampanya sa Bonifacio Shrine sa Manila.
Sinabi ni Ali Garangan II ang convenor ng YES Isko na naniniwala sila sa alkalde at kayang-kaya nitong pamunuan ang bansa.
Bukod sa maganda ang track record ng alkalde ay hindi aniya maikakaila ang nagawa nitong pagbabago sa lungsod.