-- Advertisements --
Nangangamba ang Management Association of the Philippines (MAP) na mayroong malaking epekto ang paghigpit sa paggalaw ng mga tao.
Sinabi ni MPA president Alfredo Pascual na kapag itinaas pa sa mas mabigat na quarantine restrictions ang Metro Manila ay labis na makakaapekto ito sa mga negosyante.
Hinikayat din nito ang gobyerno na dapat magkaroon ng detalyadong data sa pagrereport ng COVID-19 cases gaya ng paghihiwalay sa mga kung ilan ang bakunado at hindi bakunadong tinamaan ng virus at kung sila ba ay asymptomatic o symptomatic.
Umaasa ang grupo na maibaba sa ang Alert Level ng Metro Manila para sa makabalik na sa normal ang negosyo.